Inaasahang makukumpleto ang konstruksyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Motorcycle Riding Academy sa ikatlong quarter ng taon.
Layon nitong madisiplina ang motorcycle riders, at bahagi ito ng tugon ng MMDA na mabawasan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa kalsada.
Personal na binisita ni MMDA Acting Chairperson Don Artes ang konstruksyon ng naturang pasilidad ngayong hapon.
Ayon kay Artes, magiging libre at bukas para sa lahat ng nais na matutong mag-motorsiklo ang academy.
Kabilang sa mga ituturo ang refresher course sa traffic laws and rules, disiplina sa kalsada, riding skills, at basic response sakaling magkaroon ng emergency.
Makatatanggap naman ng certificate at badge ang lahat ng magtatapos sa 2-day training ng MMDA.
Ang MMDA Motorcycle Riding Academy ay nasa Meralco Avenue corner Julia Vargas sa Pasig City. | ulat ni Diane Lear