Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na eksklusibo lamang ang EDSA Bus Carousel lane para sa mga pampublikong bus.
Ayon sa MMDA, lahat ng hindi awtorisadong sasakyan pati na motorsiklo na dadaan sa EDSA Busway ay huhulihin at mabibigyan ng violation ticket.
Bukod sa pampasaherong bus, tanging ambulansya at sasakyan ng gobyerno na tutugon sa emergency ang pinahihintulutang dumaan sa bus lane.
Isanlibong piso ang ipapataw na multa sa sinumang mahuhuling lalabag.
Babala pa ng MMDA sa mga nagmo-motorsiklo na maaaring mairekomenda na ipasuspinde ang kanilang lisensya o mai-report sa motorcycle taxi ride-hailing services na pinagtatrabahuhan.
Iginiit nito na mas makabubuting manatili na lamang sa tamang lane at magmaneho nang ligtas para sa maayos na trapiko sa kahabaan ng EDSA.| ulat ni Hajji Kaamiño