Upang mas maipalaganap sa bawat barangay ang kahalagahan ng isang malinis at maayos na pamayanan naglunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Bayanihan sa barangay program.
Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Romando Artes, layon ng naturang programa na mailapaganap sa bawat barangay sa Kalakhang Maynila ang ma-involve ang barangay sa kanilang paglilinis ng komunidad.
Personal na tumungo si Chair Artes sa Barangay Bangkal sa Makati City at inumpusahan ito ng isang Zumba dance program para naman mas magkaroon ng eherisyo ang mga residente ng naturang barangay at sinaksihan nito ang declogging, misting, at flushing operations sa Barangay Bangkal.
Dagdag pa ni Artes na iikutin nila ang bawat barangay at lungsod sa buong National Capital Region para maipalaganap ang naturang programa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio