MMDA, nakatanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang ‘unqualified opinion’ na natanggap ng ahensya mula sa Commission on Audit o COA matapos nitong ipresenta ang kanilang financial statement para sa taong 2022.

Ito na ang ika-apat na magkakasunod na taon na nakatanggap ang MMDA ng ‘unqualified opinion’ mula sa COA.

Ang unqualified opinion ang pinakamataas na audit rating na maaaring ibigay ng COA sa isang ahensya ng gobyerno o local government unit bilang pagkilala na ang financial record nito ay maayos.

Ipinagmalaki naman ni MMDA chairman Don Artes ang apat na taong magkakasunod na nakuhang ‘unqualified opinion’ ng ahensya.

Ayon kay Artes, ang naturang audit rating ay patunay ng transparent governance ng MMDA.

Nagpasalamat din ang opisyal sa mga kawani ng ahensya sa epektibong pagbibigay ng mga serbisyo at paggamit ng pondo ng taumbayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us