Monumento Circle, all set na para sa gaganaping Independence Day celebration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan ay nagpapatuloy rin ang ginagawang preparasyon sa Monumento Circle sa Caloocan City para sa ika-125 taong selebrasyon ng araw ng Pambansang Kalayaan.

Pangungunahan ni Caloocan City Mayor Along Malapitan kasama si House Speaker Martin Romualdez, at mga kinatawan mula sa National Historical Commission of the Philippines ang simpleng seremonya dito sa dambana ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento Circle na sisimulan mamayang alas-8 ng umaga.

Batay naman sa nakahandang programa, magkakaroon ng wreath laying ceremony o pag-aalay ng bulaklak, pagbasa ng proklamasyon blg. 28, at sabayang pagpapatunog ng mga sirena at pagwawagayway ng mga banderitas.

Sa mga oras na ito, ay patuloy ang pagsasaayos sa venue.

Nakapwesto na rin ang mga militar, at PNP na nakaalerto na at nakatutok sa seguridad sa lugar.

Kaugnay nito, simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, isinara na rin ng Caloocan LGU ang ilang kalsadang patungo sa Monumento Circle partikular ang Rizal Avenue Exttension Corner 10th Avenue at Samson Road upang magbigay daan sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us