MRT-3, reregaluhan ang mga pasaherong tatay sa Father’s Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

May sorpresang naghihintay para sa mga pasahero ng MRT-3 na ama ng tahanan sa darating na Father’s Day sa Linggo.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, mamamahagi ang mga personnel ng regalo sa mga pasaherong tatay na sasakay ng tren.

Pupuwesto ang mga kawani sa North Avenue Station, Cubao Station, Shaw Boulevard, Ayala, at Taft Avenue Station simula alas-onse ng umaga.

Ipinaliwanag ni Aquino na ang munting sorpresa ay isang pagkilala at pasasalamat sa mga haligi ng tahanan na karaniwang tahimik ngunit nagtatrabaho upang maitaguyod ang pamilya.

Umaasa ang opisyal na sa simpleng regalo ay maipaaabot ng MRT-3 ang paghanga at pagsaludo sa sakripisyo ng mga ama.

Upang mabigyan ng regalo, dapat ay kasama ng ama ang anak o pamilya na sasakay sa mga naturang istasyon.  | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us