MSWDO-Daraga, nagpatupad ng mga hakbang para masigurado ang kalinisan at kaligtasan ng IDPs sa evacuation centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa sa mga pangunahing isyu sa evacuation centers ay ang kaligtasang pangkalusugan ng internally displaced persons (IDPs), partikular na ngayong malaki pa din ang bantang dala ang COVID-19.

Ayon kay Daraga Municipal Social Worker and Development Officer Maricel M. Ordinario, sila ay nagpatupad ng ilang mga alituntunin at hakbang para masiguradong walang kontaminasyon o hawaan na magyayari habang nasa evacuation centers ang mga kababayang naapektuhan ng Mayon.

Ilan sa kanyang mga nabanggit ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa centers at ang pagsunod sa wastong sanitasyon ng evacuees. May maintenance team din mula sa LGU Daraga na tutulong sa anumang isyung may kaugnayan sa suplay ng tubig o kuryente sa center.

Bukod dito ay nagrequest din sya ng mga alcohol at iba pang medical supplies para sa centers. Andyan din aniya ang mga tauhan mula sa rural health unit ng Anislag at mga BHW na regular na rumuronda para i-check ang kalagayan ng IDPs.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us