MWSS, muling humirit sa NWRB na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam hanggang June 30

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling umapela ang Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na palawigin pa ang dagdag alokasyon ng tubig sa Angat dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila water hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Sa naunang desisyon ng NWRB, hanggang ngayong June 15 na lang mananatili ang 52cms water allocation ng MWSS sa Angat Dam ngunit pagsapit ng June 16-30 ay ibababa na ito sa 50cms.

Sa ipinadalang liham ng MWSS kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David, ipinunto nito ang pangangailangang matiyak na walang lugar sa Metro Manila ang makararanas ng mahabang water service interruptions.

Kasunod nito, tiniyak naman ng MWSS na tuloy-tuloy ang pagpapatupad nito ng mga action plan na may kaugnayan sa water source augmentation at pati na ang pagsusumite ng weekly progress report sa mga ipinatutupad na intervention maging ng water concessionaires.

Tinukoy rin ng ahensya na nakatakda na rin itong makipagpulong sa National Irrigation Administration (NIA) para talakayin ang posibleng kolaborasyon at upang masuportahan ng MWSS ang mga magsasaka sa Bulacan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us