Naipaabot na tulong sa mga apektado ng Mayon unrest, umakyat na sa ₱53-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit na sa ₱53-milyon ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar sa Albay apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa kasalukuyan, kasama na rin sa ipinamamahagi ang cash assistance sa mga evacuee sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kabilang sa mga naabutan na ng ayuda sa mga pamilyang inilikas sa Calamig at sa bayan ng Malilipot.

Sa kabuuan, nasa higit ₱9-na milyon na ang naipamahaging cash assistance ng DSWD Bicol sa 1,886 na displaced families.

Matatandaang sinabi noon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na maaaring magamit ng mga pamilya ang cash aid para makabili ng iba pa nilang pangangailangan na hindi kasama sa family food packs.

Kaugnay nito, nananatili pa rin sa higit 5,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center sa Albay dahil sa banta ng Bulkang Mayon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us