Naipamahaging tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, umakyat na sa ₱48-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ngayon ng Bulkang Mayon.

Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 18 ay umakyat na sa higit ₱48-milyon ang halaga ng relief assistance na naipamahagi na sa mga apektadong residente.

Katuwang dito ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan, NGOs at iba pang partner ng DSWD.

Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 26 na apektadong brgys sa lalawigan ng Albay.

Sa kasalukuyan, nananatili naman sa higit 5,000 pamilya o katumbas ng 18,892 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Aabot na rin sa higit 38,000 indibidwal ang apektado ng Mayon unrest.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us