NAPC, inatasan ni Pangulong Marcos Jr. na pakinggan ang hinaing at suhestiyon ng LGUs sa poverty reduction efforts ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) na manatiling bukas at makinig sa hinaing ng mga lokal na pamahalaan, lalo’t sila ang mas nakakaalam sa problema ng kanilang mga komunidad.

Sa En Banc meeting ng NAPC sa Malacañang ngayong hapon, sinabi ng Pangulo na ang LGUs ang nakababatid ng angkop na solusyon, at sila ang mas may alam ng mga kritikal na hakbang na kailangang ipatupad ng national government.

Sa pulong, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga komunidad na nangangailangan, at iyong mga sektor na nawawalan ng pribilehiyo.

Kabilang rin ang pagsisiguro na synchronize ang programa ng NAPC, sa programa at serbisyo ng iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Habang ilan pa sa mga napag-usapan sa pulong ang alignment ng lahat ng plano ng tanggapan alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028; Formulation ng National Anti-Poverty Action Agenda (N3A); National Poverty Reduction Plan (NPRP), kabilang na ang pagtitiyak ng maayos na pabahay, desenteng trabaho, sapat na pagkain, pinakamataas na standard of health, at napapanahon, at de kalidad na edukasyon, para sa mga mahihirap na Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us