Nasa 100,000 plastic cards para sa driver’s licence, target na mai-deliver ng bagong supplier sa katapusan ng Hulyo, ayon sa LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target na mabigyan ng driver’s license plastic cards ng Land Transportation Office (LTO) ang mga bagong aplikante.

Ito ang pahayag ni LTO chief Atty. Hector Villacorta matapos maibigay sa Banner Plastic Cards Inc. ang kontrata para sa 5.2 milyon na plastic cards.

Ayon kay Villacorta, pinalawig naman ng ahensya ang validity ng driver’s license na mapapaso simula April 24 hanggang October 31.

Tiniyak din ng opisyal na pagdating ng Oktubre o kapag napaso na ay magiging available na ang plastic cards at walang dapat bayaran ang mga may hawak na papel na lisensya.

Nasa 100,000 plastic cards ang target na mai-deliver ng Banner Plastic Cards Inc. sa katapusan ng Hulyo at isang milyon naman sa August 26.

Dagdag pa ni Villacorta, ang National Capital Region, Calabarzon, at Cebu ang prayoridad na mabigyan ng plastic card dahil sa dami ng mga nag-aaply.| ulat ni Daine Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us