Lumahok ang nasa 3,000 mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Cavite.
Nagmula sila sa mga bayan sa ilalim ng unang distrito ng probinsya kabilang ang Kawit, Noveleta, Rosario, at Cavite City.
Nilinis nila ang mga creek, canal, drainage, tabing dagat, at mga kalye sa mga nabanggit na lugar para maiwasan ang pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.
Kasama nila sa paglilinis ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), barangay, at LGU.
Magpapatuloy ang kanilang clean up drive sa iba pang bahagi ng Cavite.
Sampung araw magtatagal ang clean up drive ng tupad beneficiaries at kapag natapos ay makakatanggap sila ng ₱ 4,700 na sweldo.
Layunin ng TUPAD Program na magbigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers na may minimum period ng 10 araw. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.