Nasa 79.12 million na ang nakarehistro para sa National ID sa bansa.
Mula sa bilang na ito, 37.73 million ang naimprenta na habang nasa 31.95 million na physical ID na ang naipamahagi ng gobyerno.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Deputy National Statistician Fred Solesta, nag-uusap na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at PSA para sa pagpapabilis ng pag-iimprenta ng mga ID.
“Iyong bulk ng pini-print natin ay iyong 2021, kasi siya talaga iyong priority, kumbaga, sa first come first serve. Noong 2021 iyong bulk talaga ng registration ay malaki, nakapagrehistro tayo noong 2021 ng 53 million. So iyon may hahabulin iyong PSA at saka BSP in terms sa pag-print ng 2021.” — Solesta
Kung hindi man aniya matapos ngayong 2023 ang pag-iimprenta, posibleng makumpleto ang produksyon at distribusyon ng National ID sa susunod na taon. | ulat ni Racquel Bayan