Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, magsisimula ngayong alas-8 ng umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inaanyayahan ng National Disaster Risk Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makilahok sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isasagawa ngayong umaga.

Magsisimula ang programa ng alas-8 ngayong umaga sa Greenfield District, Mandaluyong City.

Ang aktibidad ay dadaluhan ng mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Economic and Development Authority (NEDA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), OCD, Mandaluyong Local Government Unit, at Greenfield Development Corporation.

Ganap na alas-9 ng umaga isasagawa ang ceremonial pressing of the button para patunugin ang sirena, na hudyat para isagawa ang duck, cover and hold move sa simulation ng isang 7.2 magnitude na lindol.

Ang publiko ay maaring makilahok sa pagsubaybay sa live-stream ng aktibidad sa Civil Defense PH at NDRRMC Facebook pages. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us