NCRPO, gagamit ng mga drone para magbantay sa SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagamit ng military grade drones ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para mabantayan ‘in real time’ ang mga kaganapan sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24.

Ang drones na ito ay kabilang sa iprinisenta ni NCRPO Dir. Edgar Alan Okubo kay House Sgt at Arms Napoleon Taas sa ginanap na 3rd Security Coordinating Conference.

Pagbibida ni Okubo, may kakayanan ang mga drone na ito na i-disable ang iba pang drone na lumilipad sa palibot ng Batasang Pambansa.

Batay sa naunang abiso ng House of Representatives, magpapatupad sa araw ng SONA ng one kilometer radius ‘No Fly Zone’ sa palibot ng Batasang Pambansa Complex mula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Maliban dito, mayroon din aniya facial recognition capability ang naturang mga drone.

Aminado si Okubo na patuloy pa nilang pinagbubuti ang sistema ng kanilang drone at gagamiting advance mobile command center sa SONA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us