NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority ang kahalagahan ng paggamit ng umuusbong na teknolohiya bilang stratehiya sa pagsasakatuparan ng socioeconomic transformation agenda ng administrasyong Marcos.

Sa kanyang talumpati sa International ICT Awards-Philippines Celebratory Gala Dinner, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na hindi dapat isantabi ang ICT na nagsisilbing pundasyon sa pagpapanibago sa iba’t ibang industriya.

Kinakailangan aniyang samantalahin ang potensyal ng makabagong teknolohiya tulad ng artificial intelligence habang tinitiyak ang pag-regulate rito tungo sa wastong paggamit.

Naniniwala rin si Balisacan na marapat na bumuo ng mga polisiya para itaguyod ang regulatory efficiency at pagtugon sa nagbabagong digital markets nang hindi nahahadlangan ang innovation.

Idinagdag pa ng opisyal na malaki ang papel ng digitalization sa pagpapaigting ng efficiency at pagpapabuti sa paghahatid ng serbisyo publiko gayundin ang pagsugpo sa katiwalian.

Makatutulong naman umano ang digitalization at e-commerce adoption sa micro, small and medium enterprises upang manatiling competitive. | ulat ni Hajji Kaamiño

📷: NEDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us