Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na magiging mabilis ang economic recovery ng bansa dahil sa pagpasok ng investment pledges mula sa iba’t ibang mga bansa.
Sa bilateral meeting nito kay Israeli Foreign Minister Eli Cohen, sinabi ni NEDA Chief Arsenio Balisacan, na positibo ang Pilipinas na makakabalik ito sa dating sigla ng ekonomiya dahil sa mga investment pledge na nakuha ng administrasyon mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kaugnay nito, nangako naman ng pagsuporta si Israeli Foreign Minister Eli Cohen sa ating bansa na patuloy ang pagsuporta nito sa Pilipinas sa ilang mga investment pledge nito sa Pilipinas mula sa sektor ng agritech water at cybersecurity. | ulat ni AJ Ignacio