Lumagda ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa multi-party memorandum of agreement upang lumikha ng isang elective course sa mga piling higher education institutions sa bansa.
Bubuuin ang Personal Finance 101: “My Peso and I” curriculum na may layuning bigyan ang college students ng kaalaman at kasanayan sa pagkamit ng financial independence.
Sa ilalim nito ay matututuhan ng mga mag-aaral ang basic financing tools at techniques at malilinang ang analytical skills upang maayos na makapagpasya sa usapin ng ipon, credit, investments, insurance at retirement planning.
Susuportahan ng NEDA ang integration ng 3-unit elective course sa mga kolehiyo at gagabay sa pagbuo ng modules at iba pang deliverables upang matiyak na magtatagumpay ang implementasyon nito.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon na mahalagang stratehiya ang financial literacy sa pagpapalalim at pagpapalawak ng financial inclusion na nakapaloob sa 5-year Philippine Development Plan. | ulat ni Hajji Kaamiño