Positibo ang pananaw ng National Economic and Development Authority o NEDA na malaki ang magiging epekto ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP program sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay NEDA Chief Arsenio Balisacan na malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga polisiyang nakapaloob sa naturang programa.
Dagdag pa ni Balisacan na kapag nakapasok na ang mga investment ay mararamdaman na ito ng taumbayan partikular sa sektor ng agrikultura dahil sa pagkakaroon ng free trade sa mga miyembro ng ASEAN dahil isa ang sektor ng agrikultura sa makikinabang sa RCEP. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio