Seryoso ang National Housing Authority na ilikas ang mga pamilyang nakatira sa mga mapanganib na lugar sa Metro Manila.
Nagpulong na sina NHA General Manager Joeben Tai at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-
Loyzaga para sa agarang relokasyon ng mga apektadong pamilya.
Prayoridad ng NHA na mailipat ang mga pamilyang ito na nakatira mga gilid ng estero, sapa, tabing ilog, at iba pang daluyan ng tubig.
Kasama sa programa ang Pasig River Rehabilitation na may libo-libong pamilya ang kinakailangan ding ilipat sa ligtas at maayos na lugar.
Iniiwasan ng NHA na maulit ang trahedya noon sa Estero de Magdalena sa Maynila na ikinasawi ng ilang katao at pagkasugat ng iba pa.
Patuloy na ding nakikipag-ugnayan ang NHA sa mga lokal na pamahalaan para maisakatuparan ang mga resettlement projects. | ulat ni Rey Ferrer