NWRB, muling pinagbigyan ang hirit ng MWSS na panatilihin ang dagdag na alokasyon ng tubig sa Angat Dam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inaprubahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang hirit ng Manila Water Sewerage System (MWSS) na palawigin pa ang dagdag alokasyon ng tubig sa Angat Dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila Water.

Dahil dito, hindi na babawasan ng two centimeters ang alokasyon ng MWSS dahil extended ang 52 centimeters water allocation nito sa Angat Dam simula ngayong araw, June 16-30.

Kasunod nito, nagpasalamat naman ang MWSS sa NWRB dahil maiiwasan nitong makaranas ng mahabang water service interruptions ang maraming lugar sa Metro Manila partikular ang mahigit 600,000 customers.

Una nang tiniyak ng MWSS na tuloy-tuloy ang pagpapatupad nito ng mga action plan na may kaugnayan sa water source augmentation at pati na ang pagsusumite ng weekly progress report sa mga ipinatutupad na intervention maging ng water concessionaires.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us