Para mas palakasin ang kahandaan ng publiko sa lindol, hinihikayat ng Office of Civil Defense 6 ang lahat ng sektor na makilahok sa 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) bukas, Hunyo 8.
Sa Western Visayas, ang pilot area ay gaganapin sa munisipyo ng bayan ng Pavia, Iloilo.
Inaasahang makikilahok sa 2nd Quarter NSED ay sina Pavia Mayor Luigi Gorriceta, lokal na opisyales ng bayan, mga empleyado ng munisipyo at mga member agencies ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 6.
Sa gaganapin earthquake drill, titingnan ng validators ang kahandaan ng bayan ng Pavia at kung ano pa ang maaari nilang maimproba sa pagresponde sa lindol.
Ayon kay OCD-6 Spokesperson Cindy Ferrer, mahalaga na may regular na earthquake drill sa komunidad dahil walang pinipiling oras ang lindol lalo na’t may earthquake generators sa Rehiyon Sais.
Sa ngayon, nakahanda na ang bayan ng Pavia at RDRRMC-6 sa gaganaping earthquake drill bukas. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo