OCD officials nakatakdang i-deploy ang mga water filtrations units nito sa lalawigan ng Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ideploy ng Office of Civil Defense ang mga water filtration units nito sa lalawigan ng Albay upang magkaroong ng malinis na water supply ang mga kababayan sa residenteng nasa evacuation centers at magkaroon ng maayos na sanitation process ang mga ito.

Ayon kay OCD Bicol Regional Director Claudio Yucot, siniguro nilang may sapat na water filtration units ang bawat evacuation centers.

Kugnay nito, namahagi si OCD Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV ng nasa 3,200 na sako ng bigas sa lalawigan ng Albay upang magkaroon ng karagdagang buffer stock na pagkain ang mga evacuees.

Samantala, upang maresolba ang sanitation issues ng bawat evacuation centers ay magsasagawa naman ang OCD ng declogging ng mga septic tanks upang maiwasan ang pagbabara ng mga palikuran sa mga evacuation centers. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us