Operasyon ng NAIA, 2 beses nabalam kasunod ng pagtataas ng Lightning Red Alert

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang beses nabalam ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Ito ay matapos itaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Ground Operations and Safety Division ang Lightning “Red” Alert.

Unang itinaas ang Lightning Red Alert kaninang 1:32 PM subalit ibinaba rin agad ito sa “Yellow” kaninang alas-1:47 ng hapon.

Subalit dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan sa NAIA Complex na sinamahan ng malakas na pagkulog at matatalim na kidlat, muling itinaas ang Lightning Red Alert dakong 2:36 PM.

Layunin ng Lightning Red Alert na mapag-ingat ang mga tauhan ng paliparan gayundin ang mga pasahero mula sa peligrong dulot ng masamang panahon.

Alas-3:27 naman ng hapon nang muling bumalik sa normal ang operasyon sa NAIA matapos muling ibaba sa Yellow ang Lightning Alert. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us