Agad nakabalik sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maramdaman ang malakas na pagyanig kaninang umaga.
Ito ang ipinabatid ng Manila International Airport Authority (MIAA) kasunod ng pagtama ng Magnitude 6.2 na lindol sa bayan ng Calatagan, Lalawigan ng Batangas.
Ayon sa MIAA Media Affairs Division, matapos ang pagyanig ay agad isinara ang lahat ng runway at taxiway ng NAIA para isailalim sa pag-inspeksyon.
Gayunman, walang nakitang bitak o anumang pinsala sa runway at taxiways ng paliparan kaya’t binuksan na rin ito dakong 10:34 AM ng hapon.
Hindi rin naapektuhan ang arrival at departure sa NAIA dulot ng naramdamang lindol. Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MIAA sa mga pasahero na naapektuhan dulot ng pansamantalang pagkabalam ng operasyon nito. | ulat ni Jaymark Dagala