Oplan Pag-Abot ng DSWD, aarangkada na sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada na sa Lunes ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong tulungan ang mga palaboy sa lansangan.

Ito ay sa ilalim ng Oplan Pag-Abot, na isang inisyatibo para alalayan ang mga pamilya at mga batang nasa lansangan.

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, sisimulan muna ang naturang proyekto sa tatlong lungsod sa Metro Manila kabilang ang Pasay, South Caloocan, at Manila bago palawakin sa 17 lungsod sa rehiyon.

Magkakaroon ng reach-out operations ang ahensya, kabilang sa proseso ang initial interview o counseling kung saan kukuhaan ng biometrics at bibigyan ng ID ang bawat indbidwal na isasailalim sa assessment.

Batay sa assessment ang tulong na ibibigay ng DSWD gaya ng medical assistance, food support, transportation at relocation aid, livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial assistance, at transitory shelter assistance.

Tiniyak naman ni Gatchalian, na dadaan sa masusing proseso ang lahat ng mabibigyan ng tulong ng Oplan Pag-Abot.

Magsasagawa rin muna ng isa o dalawang linggong census para obserbahan ang isang pamilya sa isang lugar.

Sa Lunes, sisimulan ng DSWD sa tulong ng mga social workers nito na suyurin ang kahabaan ng LRT-1 sa Pasay City dahil natapos na ang ocular inspection at profiling sa lugar. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us