OVP at DepEd, magsisilbing reinforcement ng AFP sa peace-building efforts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte ang suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusulong nito ng kapayapaan sa mga komunidad na apektado ng gulo at karahasan.

Ayon kay VP Sara, magsisilbing reinforcement ang OVP at Department of Education sa peace-building efforts sa pamamagitan ng implementasyon ng Peace 911 program at integration ng national peace curriculum sa basic education system.

Binigyang-diin din ng Pangalawang Pangulo, na nasa likod ng uniformed personnel ang OVP at DepEd.

Sa gitna ito ng pagkakatatag ng MATATAG Agenda, na magtataguyod sa mga kabataan upang maging makabayan at responsableng haligi ng kaunlaran sa bansa.

Dagdag pa ni VP Sara, ang patuloy na pagtulong ng AFP sa panahon ng krisis o kasaganahan ay patunay ng commitment nito na protektahan ang pambansang seguridad at kapakanan ng mga Pilipino. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us