Nagsagawa ng relief operations ang Office of the Vice President o OVP sa lalawigan ng Albay.
Ito ay para mabigyan ng tulong ang mga residenteng inilikas sa mga evacuation center na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Katuwang ng OVP ang Daraga Philippine National Police Mayon Response Team sa pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang evacuation centers sa lalawigan.
Mahigit 900 na relief good boxes ang ipinamahagi sa Guinobatan, habang nabigyan din ng tulong ang mga Internally Displaced Persons o IDPs sa Sto. Domingo.
Nagpasalamat naman si Sto. Domingo, Albay Mayor Joseling Aguas at mga residente sa lalawigan sa tulong na ipinaabot ng OVP. | ulat ni Diane Lear
📷: Inday Sara Supremacy FB Page