P2-million na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang buy-bust operation sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasamsam ang lampas P2-million na halaga ng pinaniniwalaang shabu mula sa itinuturing na number one sa high value target list sa Davao City, matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis nitong Biyernes ng gabi (Hunyo 23, 2023).

Sa pahayag na inilabas ng Davao City Police Office (DCPO), kinilala nito ang suspek na si Kurt Aaron Espinosa, 18 anyos at residente ng Sarphil, Barangay San Antonio, Agdao, Davao City.

Sa report ng Bajada Police Station, ikinasa ang buy-bust operation bandang alas-10:30 ng gabi ng Biyernes sa Dacudao Avenue Brgy. Governor Paciano Bangoy, inaresto si Espinosa matapos bentahan ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang pulis na nagpapanggap na buyer.

Nang kapkapan, nakuha sa pag-iingat ng suspek ang iba pang dalawang malalaking sachet ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot sa kabuohang P2.060 million na halaga ang nakuha mula sa 103 grams na timbang na hawak ng nasabing suspect.

Patong-patong na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nahuling suspect. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us