PA, nanatiling alerto kahit humina na ang guerilla front ng makakaliwang grupo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatiling nakaalerto ang hanay ng kasundaluhan ng Philippine Army (PA) sa mga posibleng aktibidad ng makakaliwang grupo sa lalawigan ng Ilocos Norte at ibang probinsya.

Sinabi ni Captain Norman Sorila ng 102nd Infantry Batallion ng PA, na base sa report ng mga nakakataas na opisyal ay humihina na ang guerilla front ng makakaliwang grupo ngunit nananatili silang alerto sa posibleng gawin ng mga ito.

Dahil dito nagpanawagan si Captain Sorila sa publiko na kung may mga taong hindi kilala na nagbibigay ng ayuda ay mas mabuting ipaalam sa mga otoridad.

Sa naging pagsisiwalat kasi ni Mr. Ronald Buyat, dating namumuno sa Assosasyon ng mga Magsasaka at Mangingisda sa Brgy. Maglaoi Norte sa bayan Currimao ay may ilang tao na pumunta sa kanila at nagpatawag ng seminar sa Lungsod ng Laoag at kalaunan ay pumunta sila sa Pangasinan noong taong 2019-2020.

Matapos ang mga pinagawa sa kanila ay nabigyan ang 29 na indibidual ng ayuda na dahilan naman para ipaalam ng mga otoridad na nasa kaliwang grupo ang mga nasabing di kilalang mga tao.

Giit ni Buyat na wala siyang balak na pumanig sa makakaliwang grupo nang dahil sa ayuda lamang ay napabilang na sila sa nasabing grupo.

Dagdag nito na may dalawa siyang anak na sundalo kaya malayong kumampi ito sa rebeldeng grupo.

Labis naman ang pasasalamat ni Captain Sorila ng Philippine Army sa ginawang pagtulong ng Department of Trade and Industry sa 29 na mga biktima ng panlilinlang ng CPP-NDF dahil may pagtutuunan na sila ng pansin upang hindi na umasa sa mga ibinibigay ng kung sino-sinong indibidual na hindi naman nila kilala.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us