Pag-resolba ng bansa sa mga kaso ng karahasan laban sa media, bumubuti na, ayon sa PTFoMS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumaganda na ang status ng bansa, pagdating sa pag-resolba at pagtutok sa mga kaso ng karahasan sa hanay ng media.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec Paul Gutierrez na malaki ang ambag dito ng suporta ng pamahalaan.

Lalo’t si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aniya ang nagsabi na mahalaga sa kaniya at iniri-respeto niya ang interes at seguridad ng mga mamamahayag sa bansa.

Ang direktiba aniya ni Pangulong Marcos, siguruhin na ang mga kaso ng pamamaslang sa mga kawani ng media ay hindi basta titigil na lamang sa pagtukoy ng mga salarin.

Bagkus, patuloy na pagulungin ang imbestigasyon hanggang mabatid kung sino-sino pa ang sangkot o mastermind sa mga kasong ito.

“Sapagkat naniniwala tayo at naniniwala ang ating gobyerno na ito po ang pinakamagandang deterrent sa mga nagbabalak gumawa ng karahasan sa ating media. Pinaka-effective deterrent dito na sakaling ginawa ninyo ito, sino man po kayo, lahat po kayo ay huhubaran ng PTFOMS, lahat po kayo ay kakasuhan po ng gobyerno.” —Gutierrez.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us