PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila, karatig lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inisyu kaninang 6:04am, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa MetroManila, Quezon, Bataan, at Rizal

Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob ng dalawang oras.

Samantala, nakararanas naman na ng mga pag-ulan ngayong umaga ang Nasugbu, Batangas at Bacoor, Cavite.

Pinagiingat ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar sa banta ng flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us