Pagbabago ng anumang nilalaman ng pinal na bersyon ng isang panukala, dapat ginagawa lang sa plenaryo ng mga halal na senador — Sen. Pimentel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, na hindi tama at magiging katumbas ng falsification ang pagbabago ng anumang salita o nilalaman ng 3rd at final reading version ng isang panukala.

Sinabi ito ni Pimentel kasunod ng pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, na nasa ‘finishing touches’ at inaayos pa ng senate secretariat ang aprubadong bersyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Kabilang na dito ang pagtatama na 10-year prescription period ang itinatakda sa mga krimen at paglabag na nakasaad sa MIF bill. 

Ayon ngayon sa minority leader, ang ‘perfecting exercise’ para sa isang panukala ay dapat ginagawa sa plenaryo ng mga elected member ng Senado.

Ito aniya ang dahilan kaya isang pribilehiyo ang maging miyembro ng Philippine Senate, dahil ang 24 na elected senators lang ang may ganitong oportunidad at pribilehiyo.

Giniit ng senador, na hindi pinahihintulutan ang sinumang unelected staff na baguhin ang anumang gawa ng elected members ng senado.

Ang maaari lang aniyang gawin ng mga ito ay ang baguhin ang number sequence ng panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us