Pagbabago sa pension scheme ng military at uniformed personnel, ‘di pa napapanahon – Sen. Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor si Senador Robin Padilla na pagbayarin ng kontribusyon para sa pensyon ang mga military at uniformed personnel (MUP).

Ito ay sa gitna ng proposal ng economic team ng administrasyon, na imandatong mag-contribute ng 5 percent ng kanilang buwanang sahod ang mga aktibong MUP, habang 9 percent naman para sa mga bagong papasok sa serbisyo.

Para kay Padilla sa ngayon ay hindi pa napapanahon ang naturang panukala.

Ayon kay padilla, maaari lang ipatupad ang ipinapanukalang pension scheme kapag dumating na ang panahon na hindi na itinataya ng mga MUP ang kanilang buhay.

Iminumungkahi ng mambabatas, na humugot na lang ng pondo mula sa ibang source at huwag nang galawin ang MUP pension.

Sa ngayon, nilinaw naman ni Padilla na dadaan at pag-uusapan pa naman ito sa talakayan ng Mataas na Kapulungan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us