Pagbibigay ng angkop at napapanahong assistance sa mga magsasaka, susi upang maisakatuparan ang target na 97.5% rice self-sufficiency sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang National Irrigation Administration (NIA) na kaya ng Marcos Administration na maisakatuparan ang target na 97.5% rice self-sufficiency ng Pilipinas.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NIA Acting Administrator Engr. Eduardo Guillen na ang kailangan lamang tiyakin ng pamahalaan ay maipaabot ang tamang assistance at tamang input na kakailanganin ng mga magsasaka.

Halimbawa aniya sa pagtatanim ng hybrid rice.

Kaugnay nito, sinabi ni Engr. Guillen, sila sa NIA, batid naman nila kung aling areas ang kailangang patubigan tuwing dry season.

“On the part of NIA naman, alam naman namin iyong area na kaya namin patubigan during dry season kasi nagkakaroon po ng NIA—bago kasi mag-release ng tubig, mayroon kaming tinatawag na cropping calendar planning. So alam namin, ilang area ba ang kasya naming patubigan. So ang usapan namin ng DA, ito iyong iri-request namin ngayon sa DA na i-provide nila doon sa ating mga farmers.” —Engr. Guillen. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us