Pagbibigay ng real-time updates sa sitwasyon ng Mayon at Taal, ipinag-utos ni DND Sec. Teodoro sa NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magbigay ng real-time updates sa sitwasyon ng Bulkang Mayon at Taal.

Ito’y sa pagpupulong ng NDRRMC kahapon matapos ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng ika-125 araw ng Kalayaan.

Binisita ni Teodoro ang NDRRMC operations center, para makita ang mga paghahanda at mga aksyon na ginagawa kaugnay ng kasalukuyang situasyon ng dalawang bulkan.

Kasama ng kalihim sina Civil Defense Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Hernando Caraig Jr. at Office of Civil Defense (OCD) Operations Service Director Cesar Idio.

Tiniyak naman ng NDRRMC na tuloy-tuloy ang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtugon hindi lang sa situasyon ng dalawang bulkan, kundi maging sa epekto ng bagyong Chedeng. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us