Dumagdag si Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar sa mga mambabatas na nagsusulong para sa pagsusuot ng body camera ng mga pulis sa kanilang operasyon.
Naniniwala si Villar sa paghahain ng House Bill 8352, na makatutulong ito sa transparency at accountability ng frontline law enforcement officers lalo na para maiwasan ang insidente ng pang-aabuso o labis na dahas.
“This bill seeks to formalize a body-work camera and dash cam policy for all law enforcement officers with the authority to conduct searches and make arrests in order to promote transparency in law enforcement operations and pave the way for speedy investigations in cases of dispute. This policy will also prevent law enforcers from excessive use of force in the execution of their duties,” ani Villar.
Noong 2021, una nang naglabas ang Korte Suprema ng guidelines para sa paggamit ng body camera ng mga pulis na nagsisilbi ng warrant.
Hindi naman maaaring gamitin ang body camera o dash cam para i-record ang anumang aktibidad na hindi saklaw ng kanilang mandato.
Sakaling ang video recording ay magsisilbing ebidensya laban sa pang-aabuso, otomatiko itong itatago sa loob ng tatlong taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📷: Rep. Camille Villar FB page