Plano ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na makipagpulong sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa paggamit ng ilang malalaking kompanya ng ‘ghost receipts’ o pekeng resibo dahilan para malugi ang gobyerno sa buwis.
Kasunod ito ng paghahain ng kaso ng BIR sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga kompanyang World Balance, CHK Steel, at Gamon Resources, na umiwas sa pagbabayad ng buwis gamit ang ghost receipts.
Igagalang naman aniya ng komite kung anong mga impormasyon lamang ang maaaring ibahagi ng BIR lalo at nakapagsampa na sila ng reklamo.
“The updates briefing will be public, like a usual committee briefing, for our members and the public. It depends on what the BIR is allowed to disclose…to the extent that the court will allow them. We will also request the BIR for steps they are taking to prevent or deter more of such incidents. We will work together constructively on this,” ani Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes