Tuloy-tuloy ang efforts ng Department of National Defense (DND) sa paghahanap ng mga kabalikat na bansa para sa pagpapalakas pa ng defense capabilities ng Pilipinas.
Pahayag ito Defense Secretary Gibo Teodoro kasunod ng mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino envoy na humanap ng non-traditional partners para sa usapin ng kalakalan, seguridad at depensa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na bukod sa Estados Unidos na kaalyansa na ng bansa, batid naman ng lahat na nariyan rin ang Israel, Japan, at Korea.
Katunayan, aniya, si Defense Usec Carlito Galvez Jr. ay kalalagda lamang ng MOU kabalikat ang Sweden.
“At I think the marching order is to look for a proper (unclear) whatever serves our needs and whatever will jive with our national security, territorial integrity and interoperability with our present complement,” pahayag ni Secretary Teodoro. | ulat ni Racquel Bayan