Pagkaka-nutralisa kay Dawlah Islamiya leader Abu Zacharia, malaking tagumpay laban sa terorismo — WESTMINCOM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na na-“curtail” ng militar ang operasyon ng mga terorista sa bansa at sa buong rehiyon sa pagkaka-nutralisa ng lider ng Dawlah Islamiyah na si Abu Zacharia , na siya ring Emir ng ISIS sa Southeast Asia.

Ito ang inihayag in AFP Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Roy Galido matapos na mapatay ang notorious terrorist leader sa engkwentro sa Bangon, Marawi City kaninang ala-una ng madaling araw.

Ayon kay Galido, ang engkwentro ay resulta ng pinagsanib na law enforcement operation ng AFP, PNP at buong intelligence community.

Sinabi ni Galido na ito ay manipestasyon ng determinasyon ng pamahalaan na wakasan ang Islamic radicalism na isinusulong ng ISIS sa bansa, at babala sa lahat ng mga radikal na hindi sila tatantanan ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us