Binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lang ang makapagsasabi kung nararapat ba si Atty. Larry Gadon sa ibinigay sa kanyang posisyon sa gobyerno.
Ito ang tugon ng senador sa pagkaka-appoint kay Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Ayon kay Escudero, ang pagiging adviser sa Pangulo ay isang co-terminus position.
Sa huli aniya ay ang Presidente ang siya rin namang magiging accountable sa lahat ng kanyang mga appointees.
Kasabay nito ay ipinaabot ng mambabatas ang kanyang pagbati sa bagong papel ni Gadon sa pamahalaan at umaasa aniya siyang makakatuwang at makakatrabaho niya ito sa larangan ng pagsugpo sa kahirapan.
Samantala, nang tanungin naman sa naturang usapin ang minorya ng Senado, kapwa “No comment” ang tugon nina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion