Pagnanais ni PBBM na gawing investor-friendly ng Pilipinas, susuportahan ng Kongreso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez
na suportado ng Kongreso ang mga inisyatiba at programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang mas maging investor-friendly ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ng House leader sa kaniyang pagharap sa miyembro ng American Chamber of Commerce in the Philippines (AmCham).

“As Speaker of the House of Representatives, it is my duty to promote policies that enhance the growth and prosperity of our nation, and I believe that our partnership with the American business community is vital to achieving these goals,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na ang magandang samahan ng Ehekutibo at Lehislatura ay nagresulta sa paglikha ng isang komprehensibong legislative agenda na nakatuon sa pag-unlad ng bansa.

Kabilang aniya dito ang “Build Better More” program ng administrasyon na layong pabilisin ang pagproseso ng mga permit, palakasin ang public-private partnership, at pagtiyak na mapopondohan ang mga proyekto.

Kasama rin aniya sa mga panukala ang tax reforms, pagpapaluwag sa regulatory burdens, pinaigting na transparency, paggamit ng clean at renewable energy, mas epektibong justice system pati na ang Maharlika Investment Fund.

“Among the measures that both Houses approved was the Maharlika Investment Fund (MIF) bill, which seeks to create the country’s first-ever sovereign investment fund. This is designed to promote economic development by making strategic and profitable investments in key sectors including public road networks, tollways, green energy, water, agro-industrial ventures, and telecommunications,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us