Target ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR na palakasin pa ang pwersa ng kanilang Special Action Force sa lalawigan ng Sulu.
Ito’y matapos ang nangyaring engkwentro sa bayan ng Maimbung nitong Sabado sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng grupo ni Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan.
Kahapon, nagkaroon ng Peace and Order Council Meeting sa Kapitolyo ng Sulu na dinaluhan nina Gov. Abdusakur Tan, PRO BAR Regional Director P/BGen. Allan Nobleza at Philippine Army 1102nd Brigade Commander BGen. Giovanni Franza.
Ayon kay Nobleza, naging sentro ng pulong ang paglikha ng resolusyon na magpapalakas pa sa operational capability ng PNP SAF para sa mas epektibong paglaban nila sa kriminalidad, insurhensya at terorismo sa lalawigan.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Nobleza na patuloy ang pagtugis nila sa grupo ni Mudjasan at kumpiyansa siyang matutunton nila ito sa mga susunod na araw. | ulat ni Jaymark Dagala