Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang, si Israeli Foreign Minister Eliyahu Cohen na dumating sa bansa, Linggo ng gabi (June 4).
Base sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), ang courtesy call ng Foreign Minister sa Malacañang ay bilang tanda na rin ng kauna-unahang pagtungo ng isang Israeli Foreign Minister sa Pilipinas sa loob ng 56 taon.
Ang unang beses ay noong 1967 sa katauhan ni dating Foreign Minister Abba Eban.
Bukod kay Pangulong Marcos Jr., makikipagpulong rin ang foreign minister sa iba pang senior officials at business representatives sa bansa, upang talakayin ang pagpapalawak pa ng ugnayan ng dalawang bansa sa usapin ng seguridad at ekonomiya.
Ngayong taon rin, ipinagdiriwang ng Pilipinas at Israel ang ika-65 anibersaryo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. “Israel and the Philippines are celebrating their 65th anniversary of friendly relations this year. The visit also has historical significance due to the Philippines’ role as a sanctuary for Jewish refugees in the 1930’s under President Manuel Quezon.” — PCO | ulat ni Racquel Bayan