Pagpapalawak ng discount at VAT exemption sa water at electricity bills ng senior citizens, ipinapanukala ni Sen. Lapid

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Lito Lapid na mapalawak ang discount na nakukuha ng senior citizen sa mga bill ng kuryente at tubig.

Sa inihaing Senate Bill 2169 ng senador, layong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Ipinapanukala nitong ipatupad ang 5 percent discount sa unang 150 kilowatt hours sa konsumo ng kuryente, at sa unang 50 cubic meters sa water consumption.

Sa ngayon kasi, ang sakop lang ng diskwento ay ang unang 100 kilowatt hours na konsumo sa kuryente at ang unang 30 cubic meters sa tubig.

Sinabi ni Lapid, na maraming senior citizens ang kapos sa budget para sa kanilang pensyon kaya nararapat lang mapagkalooban sila ng konting ginhawa.

Sa ilalim din ng panukala ni Lapid, gagawing exempted sa value added tax (VAT) ang electricity at water consumption ng senior citizens.

Makatutulong aniya ang discounted utility bills ng mga senior citizen para sa kanilang medical needs.

Bukod dito, makakatulong din ito para pasiglahin ang ekonomiya dahil ang perang matitipid nila sa electricity at water bills ay ibibili rin ng pagkain, mga gamot at iba pang pangangailangan ng mga lolo’t lola. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us