Pagpapatuloy ng ISO-certification ng DND-proper, pinuri ni Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mga opisyal at tauhan ng DND-proper sa pagpapatuloy ng kanilang ISO (International Standards Organization) certification para sa Quality Management System (QMS) at Defense System of Management (DSOM).

Ito’y matapos na makapasa ang tanggapan sa unang surveillance audit na isinagawa ng mga external auditor mula sa SGS Philippines.

Ayon sa kalihim, ang ISO-certification ay mahalaga para sa kanyang bisyon na isang malakas na organisasyong pandepensa.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa mga external auditor na sina lead auditor Ms. Gemma Gimenea, at team member Mr. Joel Portugal, sa pagpupulong para talakayin ang resulta ng audit.

Ang mga findings ay isusumite ng mga auditor para sa pagpapatuloy ng sertipikasyon ng tanggapan sa ilalim ng ISO 9001:2015 standards. | ulat ni Leo Sarne

📸: Ms. Shella Sonogan / DND-DCOMMS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us