Pagpapaunlad ng National Wildlife Rescue Center, target ng DENR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaplano ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na pagandahin pa ang National Wildlife Center ng Pilipinas para maihanay ito sa gbobal standard.

Isa ito sa mga ipinunto ng kalihim sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng World Environment Day ngayong araw.

Ayon sa kalihim, bukod sa pangangalaga ng libo-libong mga native na halaman at puno, nagsisilbin rin ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center na tahanan ng iba’t ibang species ng mga ibon at iba pang wildlife na ang ilan ay na-rescue mula sa illegal wildlife trade.

Katunayan, markado na aniya ang Pilipinas bilang hotspot ng illegal wildlife trade dahil sa mga nagpupuslit ng endangered animals sa bansa.

Dahil dito, nagdodoble kayod pa aniya ang pamahalaan para masugpo ang naturang problema at masiguro ring masusuportahan ang mga endangered specie na kinakalinga sa wildlife center.

Kasama sa plano ng kalihim ang pagbuo ng
advisory group para maitulak rin ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng National Wildlife Center.

Kaugnay nito, hiniling naman ng kalihim ang suporta ng publiko na maging mapagmatyag at iulat ang illegal wildlife trade na nagiging dahilan ng pagkaubos ng mga endangered species. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us