Pagpapaunlad sa punong tanggapan ng DND, prayoridad ni Sec. Gibo Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tututukan ng bagong-upong Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro ang pagpapaunlad ng punong tanggapan ng kagawaran.

Sa kanyang unang press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ng kalihim na hindi maaring umasenso ang DND kung wala silang sariling capital outlay sa pambansang budget.

Paliwanag ng kalihim, ang DND proper, ang nangangasiwa sa apat na attached bureau, Armed Forces of the Philippines (AFP), at stakeholders na suma tutal ay halos isang milyong tao.

Mahirap aniyang gampanan ang tungkuling ito kung 400 lang ang tao ng DND at luma pa ang mga pasilidad.

Kailangan aniyang palakasin ang managerial capability ng DND sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kasanayan sa program management, analytics, prediction, contracting, at international relations; kasabay ng career development ng kanilang mga tauhan.

Sinabi ng kalihim na hihingi siya ng karagdagang pondo sa Kongreso para dito, at para din sa pagsulong ng modernisasyon ng AFP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us