Pagpasok ng Pilipinas sa mas maraming merkado, pinaiigting ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na paglaanan ng suporta ang mga exporter ng Pilipinas, upang magawa ng mga ito na makipagsabayan sa foreign market.

Sa ambush interview sa Pangulo, matapos dumalo sa International Trade Forum sa Taguig City, ipinaliwanag nito na ang export plan ng pamahalaan ay maihanda ang Pilipinas sa pakikipag-kompetensya sa global market.

Nasimulan na aniya ng bansa ang mga hakbang para dito, tulad ng pagpasok sa iba’t ibang merkado na nagbibigay ng insentibo.

Nariyan rin aniya ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa pagitan ng ASEAN members at mga kabalikat na bansa nito.

Habang ang kasunduuan para sa Free Trade Agreement (FTA) patuloy rin aniyang isinusulong ng bansa ng Pilipinas, kasama ang iba’t ibang bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us